Pasya ni Duterte na pairalin ang rule of law sa Trillanes amnesty, tama ayon kay VP Leni

 

Welcome kay Vice President Leni Robredo ang pasya ni Pangulong Rodrigo Duterte na hintayin na lamang ang desisyon ng korte sa hirit nilang warrant of arrest at huwag ipilit ang puwersahang pagdakip kay Senador Antonio Trillanes IV.

Sa naunang pahayag ni Presidential Spokesman Harry Roque, habang nasa Jordan ay nagpasya si Duterte na idaan sa rule of law ang pagdakip kay Trillanes.

Sa isang panayam kay Robredo sa Labo, Camarines Norte, sinabi nito na tama lang ang desisyon ng pangulo.

Ani Robredo, dapat iyon ang naging direksyon ng administrasyon noong una pa lang.

Nanindigan naman si Robredo na walang basehan ang pagbawi sa amnestiya kay Trillanes at lalong walang dahilan para damputin ito nang walang arrest warrant.

 

Read more...