Ito’y kasunod ng mga alegasyong nawawala na raw ang katapatan kay Pangulong Rodrigo Duterte ng ilang mga sundalo at pulis matapos bawiin ang amnestiya kay Senador Antonio Trillanes IV.
Ayon kay Albayalde, palagi nilang pinaiiral ang katapatan sa Konstitusyon at higit sa lahat sa mga Pilipino.
Prayoridad din aniya ng PNP ang kapakanan ng mga mamamayan.
Samantala, muling iginiit ni Albayalde na hindi kikilos ang PNP hangga’t walang warrant of arrest na inilalabas ang korte laban kay Trillanes.
Aniya, mayroon nang statement ang pangulo na hintayin muna ang korte kung maglalabas ng warrant of arrest, bago arestuhin ang senador.
Nauna nang pinuna ang presensya ng mga tauhan ng PNP-CIDG sa Senate compound mula nang bawiin ni Duterte ang amnestiya kay Trillanes.
Pero paliwanag ng PNP, may tropa sila roon upang magbigay ng assistance sa military counterpart nila.