Loyalty check sa hanay ng pambansang pulisya, hindi na kailangan – PNP Chief Albayalde

By Isa Avendaño-Umali September 08, 2018 - 02:46 PM

 

Tiniyak ni Philippine National Police o PNP Chief Oscar Albayalde na hindi na kailangan ng “loyalty check” sa hanay ng pambansang pulisya.

Ito’y kasunod ng mga alegasyong nawawala na raw ang katapatan kay Pangulong Rodrigo Duterte ng ilang mga sundalo at pulis matapos bawiin ang amnestiya kay Senador Antonio Trillanes IV.

Ayon kay Albayalde, palagi nilang pinaiiral ang katapatan sa Konstitusyon at higit sa lahat sa mga Pilipino.

Prayoridad din aniya ng PNP ang kapakanan ng mga mamamayan.

Samantala, muling iginiit ni Albayalde na hindi kikilos ang PNP hangga’t walang warrant of arrest na inilalabas ang korte laban kay Trillanes.

Aniya, mayroon nang statement ang pangulo na hintayin muna ang korte kung maglalabas ng warrant of arrest, bago arestuhin ang senador.

Nauna nang pinuna ang presensya ng mga tauhan ng PNP-CIDG sa Senate compound mula nang bawiin ni Duterte ang amnestiya kay Trillanes.

Pero paliwanag ng PNP, may tropa sila roon upang magbigay ng assistance sa military counterpart nila.

 

TAGS: Pangulong Rodrigo Duterte, PNP, PNP chief Oscar Albayalde, Pangulong Rodrigo Duterte, PNP, PNP chief Oscar Albayalde

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.