TINGNAN: Steph Curry, bumida sa UAAP season 81 opening ceremony

By Len Montaño September 08, 2018 - 02:25 PM SHARE(S):

Pinangunahan ni NBA star Stephen Curry ang Oath of Sportsmanship ng mga manlalaro mula sa walong member schools sa UAAP season 81 opening ceremony sa MOA arena, Sabado ng hapon (September 8).

Nasa Pilipinas ngayon ang two-time NBA MVP at three-time champion, tatlong taon matapos ang unang pagbisita nito, bilang bahagi ng Asia tour ng brand na kanyang ini-endorso.

Ang appearance ni Curry ay isa lang sa mga aktibidad sa pagbubukas ng UAAP.

Kabilang sa mga nag-perform ay ang grupong Spongecola, ang aktor na si James Reid at ang K-Pop star na si Minzy.

Bilang host ng kasalukuyang season, sinabi ni National University president and CEO Renato Ermita na ipinakita sa opening ceremony ang season 81 vision na tungkol sa bagong buhay ng liga.

Dagdag nito, ang UAAP ay hindi lamang kumpetisyon kundi pagdiriwang ng halaga ng sports na nagbibigay daan sa pagkakaisa ng mga eskwelahan, komunidad at ng bansa.

 

TAGS: Stephen Curry, UAAP season 81, Stephen Curry, UAAP season 81

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.