TINGNAN: Modernong PUBs ng gobyerno, bibiyahe na
Idedeploy na ng gobyerno ang mga modernong public utility buses o PUBs para sa point to point o P2P, city at long haul operations.
Inilunsad ngayong araw ng Department of Transportation o DOTr at Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB ang mga durabus buses, na parte ng PUV modernization program ng pamahalaan.
Ang mga naturang PUB ay fully-airconditioned, may libreng wifi, CCTV at dash cameras.
Mayroon din ang mga PUB na rampa para sa persons with disabilities o PWDs, lavatory o palikuran at may refrigerator pa.
Tiniyak ng DOTr at LTFRB na magiging kumportable rin sa biyahe ang mga pasahero dahil ang mga bus ay may reclining seats at personal entertainment sets na may mga pelikula at music and games pa.
Ayon kay LTRFB Chairman Martin Delgra, patuloy nilang pinasusumikapan ang modernization program para sa kapakinabangan ng riding public.
Sinabi naman ni DOTr Assistant Secretary Mark de Leon, ang tagumpay ng modernisasyon ay para sa mga commuterm sabay pagtitiyak na isusulong ang ligtas, maaasahan at mas kumportableng transport system para sa lahat.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.