Sa kanyang speech sa Davao City matapos ang official visit sa Israel at Jordon, sinabi ni Duterte na gaya sa kaso ni dating Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno ay si Calida ang nag-research.
Tinawag pa ni Duterte si Calida na “bright” at matino.
Giit ng presidente, kung ano ang sinabi ni Calida ay yun ang kanyang paniniwalaan.
Kapag sinabi rin daw ni Calida na may mali at dapat i-tama, sinabi ni Duterte na hindi raw siya tatanggi rito dahil ang SolGen ay ang abogado ng gobyerno.
Nauna nang inakusahan ni Trillanes si Calida na responsable kung kaya’t binawi ni Duterte ang kanyang amnestiyang na inibigay noon ni dating Pangulong Noynoy Aquino.