Trillanes trinabaho ni SolGen Calida ayon sa pangulo

By Isa Avendaño-Umali September 08, 2018 - 11:44 AM

Galing mismo sa bibig ni Pangulong Rodrigo Duterte na si Solicitor General Jose Calida ang kumalkal sa amenstiyang ipinagkaloob kay Senador Antonio Trillanes IV.

Sa kanyang speech sa Davao City matapos ang official visit sa Israel at Jordon, sinabi ni Duterte na gaya sa kaso ni dating Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno ay si Calida ang nag-research.

Tinawag pa ni Duterte si Calida na “bright” at matino.

Giit ng presidente, kung ano ang sinabi ni Calida ay yun ang kanyang paniniwalaan.

Kapag sinabi rin daw ni Calida na may mali at dapat i-tama, sinabi ni Duterte na hindi raw siya tatanggi rito dahil ang SolGen ay ang abogado ng gobyerno.

Nauna nang inakusahan ni Trillanes si Calida na responsable kung kaya’t binawi ni Duterte ang kanyang amnestiyang na inibigay noon ni dating Pangulong Noynoy Aquino.

TAGS: amnesty, coup, duterte, jose calida, trillanes, amnesty, coup, duterte, jose calida, trillanes

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.