Duterte: Si Gazmin ang nagrekomenda at nag-apruba ng amnesty ni Trillanes

By Den Macaranas September 08, 2018 - 11:33 AM

Inquirer file photo

Hindi na kailangan ang loyalty check sa militar at pulisya kaugnay sa mga isyung kinasasangkutan ng pagbawi sa amnesty kay Sen. Antonio Trillanes IV.

Sa pagdating ng pangulo sa Davao City mula sa kanyang pagbisita sa Israel at Jordan, sinabi ng pangulo na sa simula pa lamang ay malinaw ang kanyang kautusan sa militar na manatili ang kanilang loyalty sa bansa at hindi sa kung kaninong pulitiko.

Hindi umano siya natatakot sa mga balita ng kudeta na inilulutang ni Trillanes.

Kung sino ay gustong maging pinuno ng bansa ay handa umano siyang ibigay ang kanyang pwesto.

Inamin rin ng pangulo na si Solicitor General Jose Calida ang gumawa ng research kung saan ay nakita na may mali sa ibinigay na amnestiya kay Trillanes.

Hindi na niya ibinigay ang ilang detalye sa isyu pero sinabi ni Duterte na ang kapangyarihan para magbigay ng pardon at mag-isyu ng amnesty ay nasa ilalim ng kapangyarihan ng pangulo.

Ipinaliwanag ng pangulo na si dating Defense Sec. Voltaire Gazmin ang nagrekomenda na bigyan ng amnesty ang mga nagrebelde sa pamahalaan tulad ng grupo ni Trillanes.

“Si Volt (Gazmin) ang nagrekomenda tapos siya rin ang nag-apruba…lahat sila may tama dyan”, ayon sa pangulo.

Ipinaliwanag pa ng pangulo na pwedeng masampahan ng kaso si Gazmin dahil sa usurpation of authority.

“Ngayon kung gusto nilang agawin ang pamahalaan, sabihin lang nila at pwede kaming magkape sa pamahalaan…skanila na ang administrayon kung gusto nila”, dagdag pa ng pangulo.

TAGS: amnesty, Aquino, DND, duterte, Gazmin, Liberal, trillanes, amnesty, Aquino, DND, duterte, Gazmin, Liberal, trillanes

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.