Task Force pagmamahal ng Philippine Army para sa paggunita ng Undas

photo file inquirer
photo file inquirer

Bukas ay pagaganahin na ng Philippine Army ang Task Force Pagmamahal kaugnay sa paggunita ng Undas sa Libingan ng mga Bayani.

Sinabi ni Army Spokesperson Col. Benjamin Hao alas-otso bukas ay isasagawa ang flag setting at ala sais ng gabi ng Linggo ay ang synchronized lightning of candles at sa Lunes alas-otso ng umaga ay magkakaroon ng isang banal na misa sa Libingan ng mga Bayani.

Sinabi pa nito na ang Task Force ay binubuo ng apat na task group na may kanya-kanyang responsibilidad gaya ng pagbibigay tulong sa mga maghahanap ng puntod.

May task group din na magsasagawa ng vigil service sa Tomb of the Unknown Soldiers, may tutok sa security and law enforcement gayundin ang magmamando ng trapiko at parking areas.

Nabatid na sa isandaan apatnapu’t dalawang ektaryang libingan ay may nakalibing na anim na libo at isandaan dalawampu kabilang na ang ilang presidente, mga dating AFP chief of staff,dating defense secretaries,national artists,scientists,boy scouts at mga beterano ng World War 2 at Korean War.

Read more...