Cebu City niyanig ng maagang pagsabog

By Jimmy Tamayo September 08, 2018 - 09:59 AM SHARE(S):
Photo: Cebu Daily News

Nabulabog ng pagsabog ang isang massage parlor sa Cebu City kaninang madaling araw.

Sa report ng Philippine National Police Cebu Station 4, nangyari ang pagsabog alas-3:10 ng madaling araw.

Wala namang nasugatan sa pangyayari bagama’t nabasag ang mga salamin ng bintana ng massage parlor na matatagpuan sa Tres Norte St. sa Barangay Mabolo.

Patuloy naman ang imbestigasyon sa pangyayari at kung sino ang nasa likod ng pagpapasabog.

Samantala, may natagpuang ammonium nitrate na nakasilid sa isang 1.5 liter ng plastic bottle sa labas ng isang bar sa Archbishop Reyes Avenue bandang alas-3:15 ng madaling araw.

Inaalam na rin ng mga otoridad kung may kaugnayan ito sa naganap na pagsabog.

TAGS: Bomb, brgy. mabolo, Cebu City, IED, massage parlor, Bomb, brgy. mabolo, Cebu City, IED, massage parlor

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.