Dating Brgy. Kagawad at kapatid patay sa ambush sa Cebu

By Jimmy Tamayo September 08, 2018 - 09:57 AM SHARE(S):

Patay ang isang dating kagawad ng barangay at ang kapatid nito makaraang pagbabarilin ng riding-in-tandem sa Barangay Tabok, Mandaue City kagabi.

Kinilala ang mga nasawi na sina Wendel Alilin na dating kagawad ng barangay at ang kapatid nitong si Bryan.

Ayon sa ulat, galing ng sabungan ang magkapatid at pauwi na ng kanilang bahay sakay ng isang motorsiklo nang tambangan ng mga suspek na sakay din ng isang motorsiklo.

Inaalam ng Jagobiao Police Station kung ano ang motibo sa pamamaslang at kung may nakaaway ang dalawa sa sabungan.

TAGS: ambush, Barangay Kagawad, Mandaue, ambush, Barangay Kagawad, Mandaue

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.