LPA at Habagat nagpapaulan sa Luzon

By Rhommel Balasbas September 08, 2018 - 05:46 AM

Patuloy na binabantayan ng PAGASA ang isang low pressure area (LPA) na kasalukuyang nakakaapekto sa malaking bahagi ng Luzon.

Sa 4am weather advisory ng weather bureau, huling namataan ang sentro ng sama ng panahon sa layong 75 kilometro Timog-Silangan ng Basco, Batanes.

Ngayong araw, inaasahan ang maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat Batanes, Cagayan, Ilocos Region, Cordillera Administrative Region (CAR), Zambales at Bataan.

Dahil naman sa Habagat na pinalalakas ng LPA, nakararanas ng mahina hanggang sa katamtamang mga pag-ulan ang Metro Manila, CALABARZON at MIMAROPA.

Sa Bicol Region naman, unti-unti nang gaganda ang panahon kung saan mararanasan ang bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na paminsan-minsan ay may pag-uulan.

Sa Visayas at Mindanao naman ay walang weather system na nakakaapekto at inaasahan ang mainit na panahon liban na lamang sa mga panandaliang pag-ulan na dulot ng localized thunderstorms.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.