NoKor, magdiriwang ng 70th founding anniversary ngayong weekend

Nakatakdang ipagdiwang ngayong weekend ng Democratic People’s Republic of Korea o mas kilala sa tawag na ‘North Korea’ ang kanilang ika-70 anibersaryo ng pagkakatatag.

Pinasinayaan ang North Korea noong September 9, 1948 matapos hatiin ng Moscow at Washington ang Korean Peninsula sa mga huling araw ng ikalawang digmaang pandaigdig.

Inihanda ang serye ng mga aktibidad kabilang ang military parade at ang pagbabalik ng tinatawag na ‘Mass Games’ makalipas ang limang taon.

Kadalasang ipinaparada sa military parade ang advancement ng hukbong sandatahan sa kagamitan o ang kanilang nuclear hardware.

Gayunman, ayon sa ilang analysts, posibleng hindi ito ibida ng Pyongyang sa ngayon dahil nasa kalagitnaan ito ng diplomatic negotiations para tigilan na ang paggamit ng nuclear weapons.

Samantala, lalahok sa ‘Mass Games’ ang tinatayang nasa 100,000 performers.

Nasa 120 foreign journalists ang inimbitahan sa Pyongyang para i-cover ang mga aktibidad sa founding anniversary ng North Korea.

Ito ay isa sa pinakamalaking media invitation ng bansa sa mga nagdaang taon.

Read more...