Iza Calzado, ikakasal na sa Disyembre

By Rhommel Balasbas September 08, 2018 - 05:20 AM SHARE(S):

Ikakasal na sa Disyembre si Iza Calzado sa kanyang nobyong British-Filipino businessman na si Ben Wintle.

Ito ang kinumpirma mismo ng aktres sa isang panayam ng PEP.ph.

Nadulas si Wintle sa press na sa Disyembre na ang kanilang kasal na kanya namang kinumpirma ngunit hindi sinabi ang eksaktong petsa.

Ani Iza, isang beach wedding ang magaganap at hindi rin nito inihayag ang eksaktong lokasyon ng kanilang kasal.

Anim na taon nang magkarelasyon si Calzado at Wintle at na-engaged noon pang October 2017.

Samantala, pinabulaanan naman nga aktres na magmumukha siyang isang ‘classic bride’ sa kanyang kasal.

Anya, hindi ito bagay dahil beach ang setting ng seremonya.

Idedesenyo ang kanyang wedding gown ni Rajo Laurel.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.