SWS: Trust rating ni Pangulong Duterte, bumaba ng 8 puntos

Bumaba ng walong puntos ang net trust rating ni Pangulong Rodrigo Duterte sa 2nd quarter ng 2018 ayon sa Social Weather Stations (SWS).

Mula sa 65 percent net trust score noong Marso ay bumagsak ito sa 57 percent noong Hunyo ngunit nananatili sa klasipikasyong ‘very good’.

Ayon sa non-commissioned survey na isinagawa noong June 27 hanggang 30 sa 1,200 Filipino adults, 70 percent ng mga Filipino ang may tiwala sa pangulo, 13 percent ang maliit ang tiwala, habang 18 percent ang ‘undecided’.

Bumulusok ang net trust rating ng presidente sa Visayas mula sa 70 percent noong Marso sa 49 percent nitong Hunyo.

Sa Metro Manila naman na mula sa 62 percent ay bumaba ito ng 20 percent para makakuha ng 42 percent na net trust.

Sa Balance Luzon ay nagkaroon lamang ng 3 percent na pagbaba mula 53 percent sa 50 percent, habang sa Mindanao na balwarte ng pangulo ay 1 percent lang ang nabawas mula 89 percent sa 88 percent.

Isinagawa ang survey bago ang isyu ng 100,000 metrikong tonelada ng bigas na may bukbok at ang pag-anunsyo sa 6.4 percent na inflation rateng bansa sa buwan ng Agosto.

Read more...