Konduktor ng bus putol ang paa sa aksidente sa QC

By Rhommel Balasbas September 08, 2018 - 02:08 AM SHARE(S):
Kuha ni Jong Manlapaz

Putol ang paa ng isang konduktor matapos sumalpok ang isang pampasaherong bus sa isang poste sa Quezon City.

Biyaheng Grotto-NAIA ang bus na pagmamay-ari ng Precious Grace Transport nang bumangga sa poste sa may eastbound lane ng Commonwealth Ave. malapit sa U.P TechnoHub.

Bukod sa konduktor ay tinatayang nasa 20 katao ang sugatan bunsod ng aksidente.

Agad na isinugod sa pagamutan ang drayber at konduktor ng bus.

Sa kasalukuyan ay patuloy na iniimbestigahan ng mga awtoridad ang sanhi ng aksidente.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.