Pangulong Duterte balik-bansa na ngayong araw

By Rhommel Balasbas September 08, 2018 - 01:24 AM SHARE(S):

Babalik na sa bansa ngayong araw si Pangulong Rodrigo Duterte matapos ang kanyang makasaysayang pagbisita sa Israel at Jordan mula noong Linggo.

Sakay ng Philippine Airlines flight PR001, nilisan ng pangulo ang Queen Alia International Airport alas-10:54 ng gabi, oras sa Pilipinas.

Inaasahang darating sa Davao International Airport si Duterte alas-10:00 mamayang umaga.

Mas maaga ito ng isang araw kumpara sa orihinal niyang iskedyul.

Iuuwi ni Duterte ang $82.9 milyong investment deals mula Israel at $60.675 milyon naman ang mula sa Jordan.

Si Duterte ang kauna-unahang presidente ng Pilipinas na bumisita sa Israel at Jordan simula nang pasinayaan ang bilateral relations sa dalawang bansang ito.

TAGS: Duterte in Israel, Duterte in Jordan, Duterte in Israel, Duterte in Jordan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.