Usec. Densing hinikayat si Pangulong Duterte na magdeklara na ng revolutionary gov’t

Facebook/File Photo

Pinangunahan ng isang opisyal ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang panawagan kay Pangulong Rodrigo Duterte na magdeklara ito ng revolutionary government.

Sa pagtitipon ng mahigit 300 katao na mga miyembro ng Mula sa Masa Duterte Movement (MMDM) sa Butuan City, sinabi ni DILG Undersecretary Epimaco Densing III na pinangungunahan ng ahensya ang panawagan para sa transitory revolutionary government patungong pederalismo.

Sa harap ng MMDM members na galing sa limang lalawigan ng Caraga, sinabi ni Densing na hindi na posible ang eleksyon ng mga delegado para sa constitutional convention dahil sa halalan sa 2019.

Ang itinutulak nila ngayon ay parehong konsepto ng people’s government dahil naniniwala silang hindi mangyayari ang pederalismo kung hindi sila makikialam.

Sa ilalim anya ng Kontitusyon ay pwedeng magsulong ng revolutionary government kung sa tingin ng publiko ay hindi na natutugunan ng kasalukuyang pamahalaan ang interes ng taumbayan.

Read more...