Confidence index ng consumers sa 3rd quarter ng 2018 bumagsak

By Len Montaño September 08, 2018 - 12:15 AM

Negatibo ang tingin ng mga Pilipinong mamimili sa ikatlong kwarter ng 2018 gayundin sa papalapit na kapaskuhan ayon sa survey ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Ayon sa BSP, naging negatibo ang kabuuang confidence index ng mga consumers sa walong magkasunod na kwarter.

Bumagsak sa -7.1% ang confidence index sa kasalukuyang kwarter mula sa 3.8% noong ikalawang kwarter.

Sinabi ni BSP Department of Economic Statistics head Redentor Paolo Alegre Jr., patunay ang negative index na mas marami ang mga pessimists o negatibo ang pananaw kumpara sa mga optimists o positibo ang pananaw sa nasabing panahon.

Ayon sa mga respondents, ang negatibo nilang pananaw ay dahil sa inaasahan nilang pagtaas pa ng presyo ng mga bilihin, mababang sweldo o kita, mas mataas na gastos sa bahay, mataas na unemployment rate at walang umento sa sahod.

Binanggit din ng respondents ang mas mataas na gastos sa edukasyon at pamasahe kaya hindi maganda ang tingin nila maski sa paparating na Holiday season.

TAGS: Bangko Sentral ng Pilipinas, Confidence index, Bangko Sentral ng Pilipinas, Confidence index

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.