PDEA agent timbog sa buy bust operation sa QC

By Jong Manlapaz September 08, 2018 - 12:01 AM SHARE(S):

Huli sa aktong nagbebenta ng bawal na gamot ang isang agent ng Philippine Drug Enforcement Agency sa Quezon City.

Ang PDEA agent na nakilala sa kanyang PDEA ID ay si Mario Luisito David Israel na naka-assign sa PDEA Region 4.

Ayon kay NCRPO Director P/Dir. Guillero Eleazar, nakatanggap ng sumbong ang Quezon City Police District na may nagaganap na bentahan ng shabu sa Banawe at Del Monte sa Q.C.

Dito nila naaktuhan ang PDEA agent at kinakasama nito na nagbebenta ng bawal na gamot.

Nakuha sa suspek limang pakete ng hinihinalang shabu at isang baril din ang nakumpiska ng mga otoridad.

Hawak na ngayon ng QCPD ang suspek at nakatakdang sampahan ng kaso.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.