Stephen Curry, kumasa sa ‘In My Feelings’ Challenge

Nag “kiki dance” o “In my Feelings” challenge si NBA star Stephen Curry na balik bansa ngayon.

Sa kanyang Manila Under Armour Asia Tour sa Mall of Asia Arena, sinabi ni Curry na masaya siyang nakabalik sa Pilipinas at ipinapakitang suporta sa ginagawa niya na basketball court.

Sa unang araw ng kaniyang pagbabalik ay nagpakitang gilas ang Golden State Warriors star ng galing nito hindi lang sa basketball kundi maski sa pagsasayaw.

Game na nagsayaw si Curry ng sikat ngayon na “kiki dance.”

Nakalaro naman nito ang mga amateur players mula sa Pilipinas, Singapore at Thailand sa 3X3 games na hinati sa girls at boys divisions.

Nagkaroon din ng skills course tampok ang PBA players na sina Poy Erram, Troy Rosario, Mark Barroca at PJ Simon na nanalo ng exhibition.

Gayundin ang shootout contest nina Marc Pingris, Christian Luanzon, Harvey Carey, Willie Miller ang kanilang mga anak.

Unang bumisita si Curry sa bansa noong 2015 matapos magkampeon ang Warriors.

Natagalan ang pagbabalik ni Curry pero tinupad nito ang kanyang pangako na babalik sa Pilipinas.

Nakatakda rin ang appearance ni Curry sa opening ceremony ng UAAP Season 81 bukas araw ng Sabado ayon sa anunsyo ng host ng liga na National University.

Read more...