MMDA, nagbigay abiso sa pagkumpuni sa 3 tulay at 1 flyover sa Maynila

By Len Montaño September 07, 2018 - 10:32 PM

Nagbabala ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng mas mabigat na daloy ng trapiko sa Maynila simula sa September 15 dahil sa pagkumpuni sa 3 tulay at 1 flyover sa lungsod.

Binigyan ng MMDA ng clearance ang Department of Public Works and Highways (DPWH) na gawin ang sumusunod:

– Restoration ng Old Sta. Mesa bridge

– Demolition ng N. Domingo bridge

– Repair ng Mabini bridge

– Repair ng Nagtahan flyover

Ayon kay MMDA General Manager Jojo Garcia, ang Old Sta. Mesa bridge na nagkokonekta sa San Juan City at Manila ay isasara ng 7 buwan.

Ito ay para bigyan daan ang konstruksyon ng Skyway 3 project na magkokonekta sa Quezon City at Makati.

Nasa 500 sasakyan kada oras ang hindi makakadaan sa Old Sta. Mesa bridge kapag isinagawa ang restoration.

Idedemolish naman ang N. Domingdo bridge para makadaan ang mga barges na magdadala ng equipment na gagamitin sa Skyway project.

Samantala, tatagal ng 4 na buwan ang repair works sa Mabini bridge at Nagtahan flyover kabilang ang asphalt overlay at electrical works.

Nasa average na 37,000 na mga sasakyan ang dumaraan sa nasabing tulay at flyover kada araw.

Pinayagan ng MMDA ang mga contractors na kumpunihin ang Mabini bridge at Nagtahan flyover mula 11pm hanggang 5am.

Pwedeng alternatibong daan habang may construction works ang sumusunod:

– Felix Manalo Manalo Street or G Araneta/Aurora Boulevard sa Quezon City

– Boni Avenue sa Mandaluyong City

– F. Blumentritt Avenue sa Manila

Para sa maayos na daloy ng trapiko, magsasagawa ang MMDA ang clearing operations para ma-maximize ang road space para sa mga motorista.

TAGS: manila, mmda, traffic, manila, mmda, traffic

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.