Mga Pinoy sa Baghdad pinag-iingat kasunod ng pag-atake sa Green Zone
Pinag-iingat ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang mga Filipino sa Baghdad matapos ang panibagong pag-atake doon.
Ayon sa Philippine Embassy sa Baghdad, tatlong mortar shells ang bumagsak at sumabog malapit sa mga embahada ng Estados Unidos at Egypt.
Wala namang napaulat na nasaktan sa insidente at hindi pa rin tukoy kung anong grupo ang nasa likod nito.
Sa kabila nito pinayuhan ng DFA ang mga Pinoy doon na maging mapagmatyag at maingat.
Ayon kay Chargé d’Affaires Julius Torres, nasa 200 Pinoy ang nagtatrabaho sa Green Zone kabilang ang mga nasa US Embassy.
Ang mga Pinoy ay pinapayuhang sundin ang security protocols ng mga pinagtatrabahuhan nilang kumpanya,
Sa Green Zone matatagpuan ang mga gusali ng gobyerno kabilang ang parliament at mga foreign embassy.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.