BRP Ddel Pilar nasa Subic na para kumpunihin

Contributed Photo

Nakarating na sa shipyard sa Subic port ang BRP Gregorio del Pilar na nabutas at sumadsad sa West Philippine Sea noong August 29.

Ayon kay Navy Spokesman Commander Jake Zata, dumating ang BRP Gregorio del Pilar sa Subic pork dakong 11:50 ng umaga.

Sinabi ni Zata na kukumpunihin at iinspeksyunin na ang nasabing navy figate.

Matatandaang nabutas at natanggalan pa ng propeller ang BRP Gregorio del Pilar matapos na masadsad sa Hasa-Hasa shoal, malapit sa Palawan.

Ang mga tugboat ang humila sa barko patungong Subic.

Sa naunang ulat, nagpapatrol ang BRP Gregorio del Pilar sa Ulugan Bay sa Palawan nang sumadsad ito sa Hasa-Hasa shoal.

Read more...