Sa nasabing scam, modus ng mga suspek ang tumawag sa kanilang target at magpakilalang mula sa gobyerno at pagkatapos ay kukunin ang mga sensitibo at personal na impormasyon ng biktima.
Ayon sa BSP, kung makatatanggap sila ng tawag mula sa sinomang magpapakilalang taga-BSP ay maaring bogus o peke ito.
Hindi aniya kailanman tatawag ang BSP sa publiko para humingi ng personal na impormasyon, credit card information, o online account details.
Sakaling makatanggap ng ganitong tawag, hinikayat ng BSP ang publiko na agad makipag-ugnayan sa mga otoridad para ma-track ang pinagmumulan nito.
Maari ding makipag-ugnayan sa Financial Consumer Protection Department ng BSP sa pamamagitan ng pagpapadala ng email sa consumeraffairs@bsp.gov.ph o tumawag sa 708-7087 o 708-7701 local 2584.