Account ni Robin Padilla kinansela ng Facebook

By Len Montaño September 07, 2018 - 08:19 PM

Tinanggal ang Facebook account ng aktor na si Robin Padilla dahil sa umanoy pagiging maingay ng nilalaman nito.

Sa isang panayam ay sinabi ni Padilla na masyado raw siyang maingay kaya tinanggal ang kanyang FB account.

Hindi umano alam ng aktor na kinansela ang kanyang FB account.

Muli namang binatikos ni Padilla si Sen. Antonio Trillanes IV dahil sa paglaban nito kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Kung tawagin anya ng Senador ang Pangulo ay kala mo kung sino si Trillanes.

Bastos anya si Trillanes kaya ito binabastos.

Hirit pa ng aktor, huwag daw gamitin ni Trillanes ang pondo ng bayan.

Gusto rin nitong makausap ng personal ang mambabatas.

Nasa labas ng Senate building si Padilla nang una itong mag Facebook live kung saan hinamon niya si Trillanes na lumabas at harapin ang kaso nito.

Una namang sinabi ng Senador na kailangan munang mag grow up ng aktor bago niya ito harapin.

TAGS: FB page, robin padilla, FB page, robin padilla

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.