Nasa 3 pang containers ang kinumpiska ng ahensya sa Davao International Container Terminal sa Panabo City.
Ang shipments ay naglalaman ng mga bed sheets, kumot, sapatos, bags at stuffed toys.
Nang inspeksyunin ay nakita ng Custom agents na mga ukay ukay ito.
Bukod sa 4 na containers, iprinisinta rin ng BOC ang 2 pang van na naglalaman ng mga trak, botelya at plywood na pawang mga misdeclared din.
Nilabag ng kontrabando ang batas na nagbabawal sa importation ng used clothing.
Hinimok ng ahensya ang publiko na huwag bumili ng ukay ukay dahil may banta ito sa kalusugan ng tao.
MOST READ
LATEST STORIES