P5.6M na halaga ng ukay-ukay nasabat sa Davao port

By Len Montaño September 07, 2018 - 07:30 PM

Nasabat ng Bureau of Customs (BOC) ang P5.6 million na halaga ng ukay ukay sa 1 container van sa Davao port.

Nasa 3 pang containers ang kinumpiska ng ahensya sa Davao International Container Terminal sa Panabo City.

Ang shipments ay naglalaman ng mga bed sheets, kumot, sapatos, bags at stuffed toys.

Nang inspeksyunin ay nakita ng Custom agents na mga ukay ukay ito.

Bukod sa 4 na containers, iprinisinta rin ng BOC ang 2 pang van na naglalaman ng mga trak, botelya at plywood na pawang mga misdeclared din.

Nilabag ng kontrabando ang batas na nagbabawal sa importation ng used clothing.

Hinimok ng ahensya ang publiko na huwag bumili ng ukay ukay dahil may banta ito sa kalusugan ng tao.

 

TAGS: Bureau of Customs, Radyo Inquirer, Bureau of Customs, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.