Pari na nagbiro tungkol sa pagkakasakit ni Pang. Duterte dapat nang magbitiw – Malakanyang

By Alvin Barcelona September 07, 2018 - 07:16 PM

Pinagbibitiw na ni Presidential Spokesman Harry Roque bilang alagad ng Diyos ang pari na nagbirong ipinagdasal niya na magkasakit si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ginawa ito ni Roque makaraang ihayag ni Father Noel Gatchalian sa misa sa senado para kay senador Antonio Trillanes ang kanyang masamang biro laban sa pangulo.

Ayon kay Roque, kakaiba ang ginawa ang nasabing pari na hindi niya alam kung ano ang pananampalataya.

Sinabi ni Roque na hindi gawain ng isang kristiyano na magdasal na magkasakit ang isang tao.

Nakakahiya din aniya sa mga kristiyano ang mga binitawang joke ni Father Gatchalian kaya marapat lang aniyang umalis na ito sa pagpapari.

Sa biro ng pari, sinabi din nito na tutal pagod na si pangulo ay magpahinga na lamang ito.

TAGS: Fr Noel Gatchalian, Radyo Inquirer, Fr Noel Gatchalian, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.