Lotto outlets pinilahan dahil sa P530M jackpot prize sa Ultra Lotto

By Dona Dominguez-Cargullo September 07, 2018 - 07:06 PM

Radyo Inquirer Photo

Dumagsa ang mga mananaya sa mga lotto outlets na nagbabaka-sakaling sila ay manalo sa Ultra Lotto 6/58.

Umabot na kasi sa tumataginting na P530 million ang jackpot prize sa Ultra Lotto.

Sa outlet ng PCSO sa Makati Cinema Square mahabang pila ang sumalubong sa mga nais na tumaya.

Sa dami ng tumataya, nagkaubusan na ng card para sa Ultra Lotto 6/58.

Radyo Inquirer Photo

Dahil dito, gumamit na lang ng ibang card at isinusulat na lang ng mga mananaya sa likod ang numerong kanilang tatayaan.

Matapos ito, mano-mano na lang na ipapasok sa computer ng kahera ang tinayaang numero.

Noong Martes na huling bola ng Ultra Lotto ay wala pa ring nanalo sa winning number combination na 07-08-41-25-13-30.

Mamayang gabi muli ang draw ng PCSO para sa Ultra Lotto.

 

TAGS: 6/58, Jackpot, Lotto, pcso, Ultra Lotto, 6/58, Jackpot, Lotto, pcso, Ultra Lotto

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.