SSS magtataas ng P30 – P48 sa monthly contribution kapag naisabatas ang 100-day maternity leave
Magdaragdag ang Social Security System (SSS) ng P30 hanggang P48 sa monthly contribution ng kanilang mga miyembro kapag naisabatas na ang expanded maternity bill.
Ayon sa SSS, ang P30 na dagdag ay para sa mga miyembrong ang kita ay nasa P10,000 at P48 naman kapag ang kita ay P16,000 pataas.
Sinabi ni SSS Vice President for Media Affairs Ma. Luisa Sebastian na sinusportahan naman nila ang 100-day maternity leave pero dapat aniyang maging malinaw sa batas kung saan magmumula ang pondo para dito.
Ani Sebastian, kung magiging 100 days na kasi ang maternity leave ay lolobo sa P5.3 billion ang kakailanganing bayarang benepisyo ng SSS mula sa dating P3.5 billion lamang.
Magkakaroon aniya ng epekto sa overall fund ng SSS ang pagpapalawig sa maternity leave.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.