2 BIFF members na nasa likod ng pagsabog sa Isulan, patay sa engkwento sa Maguindanao

Patay ang dalawang hinihinalang miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighter o BIFF sa nangyaring engkwentro sa Datu Montawal, Maguindanao Biyernes ng hapon.

Ang dalawang terorista ay miyembro ng Dawla Islamiyah Abu Torayfe group na sinasabing responsable sa magkahiwalay na pagpapasabog sa Isulan, Sultan Kudarat.

Batay sa inisyal na impormasyon mula kay 6th Infantry Division Commander Brig. General Cirilito Sobejana, nasita ng mga sundalo ang mga hinihinalang BIFF bombers hanggang sa mauwi sa bakbakan.

Sa ngayon ay hindi pa tiyak kung ilan sa mga sundalo ang nasugatan sa engkwento.

Aabot naman sa tatlong improvised explosive device o IED ang nakumpiska mula sa pinangyarihan ng sagupaan.

Tiniyak ng mga militar na tuluy-tuloy ang kanilang pagtunton sa iba pang mga teroristang nasa likod ng pambobomba sa Isulan.

Read more...