4 patay sa aksidente sa Zambales

By Isa Umali September 07, 2018 - 06:10 PM

Photo: This my Zambales FB Page

Patay ang apat na katao sa head on collission ng dalawang sasakyan sa Cabangan, Zambales.

Batay sa impormasyon muna sa Cabangan Police, 2:40 ng hapon nang magbangaan sa National Highway, Barangay San Rafael ang isang kulay grey na Montero sport na may plate number na UQI 990 at isang grey na Toyota Vios na plate number VDX 231.

Kinilala ang isa sa mga nasawi na si Maria Ofelia Ebue na dead on the spot.

Dalawa pa sa mga namatay ay wala pang pagkakakilanlan, habang ang isa ay dead on arrival sa ospital.

Ang iba pang mga pasahero ng dalawang sasakyan ay sugatan.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga pulis, human error ang sanhi ng aksidente.

Nagsasagawa na ng follow-up investigation ang mga otoridad, habang inaalam na rin ang pagkakakilanlan ng iba pang mga biktima, upang maipaalam na rin sa kani-kanilang mga pamilya.

TAGS: 4 dead, accident, zambales, 4 dead, accident, zambales

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.