4 na suspek sa Lamitan bombing hawak na ng mga otoridad

By Dona Dominguez-Cargullo September 07, 2018 - 06:00 PM

CREDIT: Lamitan LGU

BREAKING: Hawak na ng mga otoridad ang apat na suspek na sangkot sa pagpapasabog sa Lamitan, Basilan noong Hulyo.

Nasa kostodiya na ngayon ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) ang mga suspek na kinilalang sina Abdurahim Darul Lijal alyas Mike Lijal, Mike Usman Abu Fatie, Hadji Hurang alyas Nura Anahin Narimin at Albaser Santos Ahamad alyas Katada.

Labingisang katao ang nasawi sa nasabing pagsabog sa Lamitan noong July 31, 2018 at kasama sa nasawi ang suicide bomber.

Sa apat na mga suspek, dalawa sa kanila ang umanin na kasama sila nang gawin ang pampasabog.

Ang apat ay mahaharap sa mga kasong multiple murder at multiple frustrated murder.

TAGS: arrested, Lamitan Bombing, PNP, suspects, arrested, Lamitan Bombing, PNP, suspects

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.