Sa isinagawang monitoring ng NFA, may available nang commercial rice sa lungsod na P48 per kilo ang halaga.
Ayon kay NFA administrator Jason Aquino, para masigurong mananatili ang mababang halaga ng commercial rice ay magtutuloy-tuloy din ang NFA sa pagbabagsak ng murang bigas sa
Zamboanga City.
Gagawin din aniya ito ng NFA sa iba pang bahagi ng bansa lalo na sa mga island provinces at calamity-prone areas.
Magugunitang umabot sa P70 hanggang P72 kada kilo ang halaga ng commercial rice sa Zamboanga City.
Dahil dito, nagdeklara si Zamboanga City Mayor Maria Isabelle Climaco-Salazar ng state of calamity sa lungsod.