Palasyo sa record-high inflation: Normal po ‘yan

By Dona Dominguez-Cargullo September 07, 2018 - 05:40 PM

Wala umanong dahilan para mag-panic ang publiko sa kabila ng naitalang record-high na inflation na 6.4 percent.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, kung titiginan ang rekord hindi naman ito ang maituturing na pinakamataasna inflation rate.

Normal lang aniya itong maituturing na bagaman mataas ay hindi pa naman nakababahala.

“Normal pa po ‘yan. It’s higher than usual but it’s nothing to be worried about,” ani Roque.

Katunayan ani Roque mas mataas pa nga ang inflation noong panahon ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Dagdag pa ni Roque bagaman tumaas ang inflation, ay tumaas naman ang employment rate.

Tiniyak ni Roque na ginagawa ng pamahalaan ang lahat para matugunan ang inflation at kabilang sa mga aksyon ang pag-aangkat ng mga produkto.

 

TAGS: Harry Roque, Inflation, Radyo Inquirer, Harry Roque, Inflation, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.