Pangulong Aquino at iba pang cabinet officials inireklamo sa Ombudsman
Inireklamo ngayon sa Office of the Ombudsman ni dating TESDA Director-General Augusto Syjuco sina Pangulong Benigno Aquino III, Budget Secretary Butch Abad, Agriculture Secretary Proseso Alcala at Senate President Franklin Drilon.
Base sa anim na pahinang complaint affidavit sinabi ni Syjuco sinabi nito na aabot sa P14.4B pondo para sa agrikultura ang maanomalyang ginasta ng mga respondent.
Sinabi ni Syjuco na base sa report ng COA inabuso ng mga ito ang PDAF at DAP na dapat sana ay napunta sa mga magsasaka.
Nakasaad sa COA report na kwestyonable ang mga programang pinaglaanan ng nasabing pondo.
Nakinabang din anya sa P14.4B pondo ang mga non-government organization ni Janet Lim- Napoles.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.