LOOK: Manila Water may isasagawang aktibidad sa EDSA-Shaw SB

By Dona Dominguez-Cargullo September 07, 2018 - 05:28 PM

Inabusuhan ng Manila Water ang mga motorista hinggil sa aktibidad na isasagawa nila sa bahagi ng EDSA-Shaw Southbound.

Ayon sa Manila Water, uumpisahan ang aktibidad alas 11:00 ng gabi ng Sept. 8 (Sabado) at tatagal hanggang alas 12:00 ng tanghali ng Sept. 9 (Linggo).

Ayon sa Manila Water magsasagawa sila ng assessment at inspection sa inaayos na linya para matiyak na wala nang tagas.

Hindi naman magdudulot ng water interruption ang aktibidad.

Pero inabisuhan ng Manila Water ang mga motorista na maari itong magdulot ng pagsisikip sa daloy ng traffic sa lugar sa mga nabanggit ng oras.

TAGS: manila water, Radyo Inquirer, manila water, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.