Dating executive director ng CHED pinawalang-sala sa kasong graft ng Sandiganbayan

By Dona Dominguez-Cargullo September 07, 2018 - 05:15 PM

Pinawalang-sala ng Sandiganbayan si dating Commission on Higher Education (CHED) Executive Director Julito Vitriolo sa kaso niyang graft kaugnay sa umano ay kabiguang mapatigil ang “diploma mill” sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM) noong 2012.

Sa resolusyon ng first division ng anti-graft court, pinaburan nito ang inihaing demurrer to evidence ng kampo ni Vitriolo at iniutos ang outright dismissal ng kaniyang kaso dahil sa kabiguan ng prosekusyon na patunayang guilty ang opisyal.

Si Vitriolo ay inakusahan na pinabayaan umano ang PLM na mag-isyu ng diploma at transcript of records sa mga nagtapos sa suspendidong education program.

Base sa imbestigasyon, ang PLM at ang National College of Physical Education (NCPE) ay lumagda sa memorandum of agreement (MOA) noong 1996 kung saan ang NCPE ay pinapayagang gamitin ang pasilidad ng PLM nang walang bayad.

Sinuspinde ni dating PLM president Adel Tamano ang kasunduan noong 2008, pero hinayaan pa rin ni Vitriolo ang pag-iisyu ng transcripts of records (TORs) noong 2010 sa mga nagtapos sa ilalim ng PLM-NCPE MOA.

Ayon sa Sandiganbayan, walang naihaing sapat na ebidensya na susuporta sa pahayag sa nag-iisang testigo ng prosekusyon na si dating PLM Acting University Legal Counsel Gladys Palarca.

TAGS: CHED, Julito Vitriolo, sandiganbayan, CHED, Julito Vitriolo, sandiganbayan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.