Mga manggagawa sa Bicol may dagdag na P20 hanggang P30 sa sahod

May dagdag sahod ang mga manggagawa sa Bicol Region epektibo sa September 21.

Ayon sa Department of Labor and Employment – Bicol, ibibigay ng dalawang hati ang dagdag sahod na aabot sa P20 hanggang P30.

Ang unang dagdag na P15 ay ibibigay na sa Sept. 21 para sa mga empleyado ng mga kumpanyang may higit 10 manggagawa at dagdag na P5 muli sa May 1, 2019.

Dahil dito mula sa P290 ay magiging P310 na ang sweldo ng mga manggagawa sa Bicol Region.

Sa mga kumpanya naman na ang empleyado ay hindi aabot sa 10, mula sa P280 ay magiging P210 na din ang kanilang minimum wage.

Ang dagdag sahod ay inaprubahan ng National Wages and Productivity Commission and Regional Tripartite Wages and Productivity Board Region V matapos ang serye ng konsultasyon at public hearing.

Read more...