Sen. Trillanes nananaginip lang sa pag-aakalang mag-aaklas ang AFP vs Duterte

By Alvin Barcelona September 07, 2018 - 04:40 PM

Nananaginip lang si Senador Antonio Trillanes IV kung sa palagay nito ay sasama sa kanya ang Armed Forces of the Philippines sa pag-aklas laban sa Duterte administration.

Reaksyon ito ni Roque sa babala ni Trillanes na may naghihintay na lamang ang mga kakilala niyang aktibong militar sa sentimyento ng taon bayan para magpasimula nang isa na namang EDSA revolution.

Sa isang presscon sa Jordan, tinawag ni Roque ang pahayag ng senador na isang guni-guni lamang.

Goodluck din aniya sa senador dahil matagal na itong senador pero wala itong nagawa para sa mga sundalo hindi katulad ni pangulo na dalawang taon pa lang sa puwesto pero na-doble na ang sahod ng mga ito.

Naniniwala si Roque na mas nakita ng mga sundalo ang pagmamalasakit ni pangulo sa mga sundalo tulad ng pagsasama niya sa mga nasugatan sa marawi seige sa biyahe sa Israel at Jordan.

Samantala, sinabi ni Roque na wala silang balak na patulan ang hamon ni trillanes na ipaaresto siya sa live camera.

Ayon kay Roque, hindi sila sasama sa mga kadramahan nito at kung gusto nito ay magdrama na lang ito mag-isa.

TAGS: amnesty, antonio trillanes, Harry Roque, amnesty, antonio trillanes, Harry Roque

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.