Petisyon ni Sen. Trillanes sa SC si Justice Diosdado Peralta ang hahawak

By Jan Escosio September 07, 2018 - 04:14 PM

Kay Supreme Court Associate Justice Diosdaso Peralta napunta ang petition for certiorari na inihain ni Senator Antonio Trillanes IV.

Ang kampo ni Trillanes ay humirit sa Korte Suprema ng motion for special raffle para maging mabilis ang pagpapasya sa hiling niyang na mapawalang bisa ang proclamation 572 ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Dahil dito, nagsagawa ng special raffle ang en banc at kay Peralta napunta ang kaso. Ibig sabihin si Peralta ang magiging ponente ng resolusyon sa mosyon ng senador.

Sa Lunes na masusuri ni Peralta ang mga hirit ng senador at ito ay matatalakay naman sa en banc session sa Martes.

Sa hanay ng mga mahistrado ng Korte Suprema pangatlo sa most senior si Peralta.

Kabilang sa mga kontrobersiyal na kaso na kaniyang pinaburan ay ang pagpapalibing kay Pangulong Ferdinand Marcos sa Libingan ng Mga Bayani, pagpapalawig ng martial law sa Mindanao gayundin sa quo warranto petition laban sa pinatalsik na Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.