Maayos na pamamahagi ng imported rice pinatitiyak ng kamara
Sa harap ng napabalitang pagpayag ng National Food Authority Council sa importasyon ng 250,000 metriko toneladang bigas sa pamamagitan ng open tender, hinimok ni House Appropriations Chairperson Karlo Nograles ang pangasiwaan ng NFA na siguruhin ang maayos na pamamahagi ng inangkat na bigas.
Ito anya ay upang maiwasan ang mga problema sa naunang importasyon gaya ng pagkabinbin sa mga barko, kabagalan ng distribusyon, at ang sabotahe ng pesteng bukbok.
Dapat ayon sa kongresita na kinapulutan ng leksyon ng NFA ang kanilang mga dating pagkakamali para ang mga papasok na suplay ng bigas ay makatugon sa pangangailangan ng bansa.
Kung maipapamahagi anya ng maayos ang nasabing inangkat na bigas, papatatagin nito ang suplay sa bansa at papababain nito ang presyo sa tamang level upang mapigilan ang pagsirit ng inflation rate.
Dapat din anyang siguruhin na ang panibagong importasyon ng bigas ay mapupunta kung saan ito kinakailangan, lalo na sa mga probinsiyang walang palayan at mga malalayong kanayunan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.