Hindi lang ang BBC News ang nakapansin sa #AlDub phenomenon
Sa “Brandstanding” segment ng show na Trending Business sa Bloomberg, naging topic ng host na si Rishaad Salamat at social media manager na si Ehden Llave Pelaez ang tinawag nilang mega hit at “gold mine” na AlDub phenomenon.
Sa kanilang pag-uusap, inalam ni Salamat kay Pelaez kung paano nag-umpisa ang AlDub na coined words ng pangalan ni Alden Richards at Yaya Dub na ginagampanan ni Maine Mendoza.
Sinabi ni Pelaez na nagsimula ang AlDub sa Kalye Serye portion ng Eat Bulaga at na-develop sa isang Cinderella story na siyang kinakiligan ng maraming tao kung saan nag-uusap ang mga pangunahing karakter sa pamamagitan ng kanta na kanilang sinasabayan o lip synching.
Para naman kay Salamat malaking “gold mine” ang AlDub lalo sa mga advertiser.
Sinang-ayun ito ni Pelaez at binanggit ang mga commercials ng AlDub loveteam.
Bukod dito, binanggit din ang social media culture na lalo pang nagpasikat sa tambalan. “One thing to notice and one thing to see through what happens in this story, everybody gets hooked, “ pahayag ni Pelaez.
Ang Bloomberg ay isang international at business cable channel na may headquarters sa New York, Europe at Asia.
Kamakailan lang ay naagaw ng Aldub ang pansin ng BBC news sa isang artikulo na may pamagat na “AlDub: A social media phenomenon about love and lip-synching.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.