Mga bisita ni Sen. Trillanes dumadagsa sa Senado

By Jan Escosio September 07, 2018 - 02:24 PM

Kuha ni Erwin Aguilon

Nagmimistulang tourist spot ngayon ang Senado dahil sa pag-selfie ng mga bumibisita kay Senator Antonio Trillanes IV.

Patuloy ang pagdagsa ng mga bisita ni Trillanes kayat nagtatagal ang pagpasok sa gusali ng Senado kahit walang pasok ang mga empleyado.

Kinakailangan na dumaan ang lahat sa pinahigpit na security protocols.

Una ay kailangan na magpalista sa logbook ng Senate security ang mga bisita, idadaan ang kanilang mga bag sa x-ray machine at muling magkakaroon ng inspection sa kanilang mga bitbit.

Maging ang mga taga-media at kahit ang mga miyembro ng Senate press ay kailangan din magpalista sa security logbook.

Nililimitahan din ang pagpasok ng mga bisita sa opisina ni Trillanes dahil hindi kakasya ang lahat na nais personal na magpahayag ng suporta sa senador.

TAGS: antonio trillanes, Radyo Inquirer, senate, antonio trillanes, Radyo Inquirer, senate

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.