Panibagong mosyon para sa arrest warrant at HDO vs Trillanes, inihain ng DOJ sa korte

Naghain ng panibagong ng mosyon ang Department of Justice (DOJ) sa hiwalay na korte para sap ag-iisyu ng warrant of arrest at hold departure order laban kay Senator Antonio Trillanes IV.

Ang panibagong mosyon ay inihain ng DOJ sa Makati Regional Trial Court Branch 150.

Noong nakaraang linggo inihan ng DOJ ang parehong mosyon sa Branch 148 pero sa halip na agad mag-isyu ng arrest warrant at HDO ang korte ay inatasan nito ang kampo ni Trillanes na maghain ng komento.

Sa panibagong mosyon, sinabi ng DOJ na dapat magpalas ng warrant or arrest at HDO ang korte laban kay Trillanes para sa kaniyang kasong rebelyon.

 

Read more...