Senator Trillanes hindi manlalaban sakaling arestuhin

By Erwin Aguilon September 07, 2018 - 12:43 PM

Kuha ni Erwin Aguilon

Tiniyak ni Senator Antonio Trillanes na hindi siya manlalaban sakaling arestuhin ng mga otoridad.

Ayon kay Trillanes, ito ay kung legal ang gagawing pag-aresto at dumaan sa tamang protocol ng Senado.

Paliwanag ng senador, ayaw niya na mayroong masasaktan kapag nagkaroon ng pag-aresto sa kanya.

Siniguro din nito na nakahanda siya sa anumang mangyayari sa kanya.

Dahil dito, may mga naka-empake na anya siyang mga gamit at mayroon ring protocol para sa kanyang mga security at mga abogado.

Maging ang kanyang pamilya anya ay nakahanda na rin sa maaring mangyari dahil naranasan na ng mga ito na nakulong siya sa loob ng pito at kalahating taon.

Nagbilin anya siya sa kanyang mga anak na magdasak at mag-aral ng mabuti.

TAGS: antonio trillanes, Radyo Inquirer, senate, antonio trillanes, Radyo Inquirer, senate

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.