Halaga ng piso nagbukas sa halos P54 kontra dolyar

By Dona Dominguez-Cargullo September 07, 2018 - 12:31 PM

Lalo pang bumagsak ang halaga ng piso kontra dolyar sa pagbubukas ng trading ngayong Biyernes ng umaga.

Ang halaga ng piso ay nagbukas sa P53.975 kada 1 dolyar o 2.5 centavos na lang ang kulang ay P54 na.

Huling umabot sa P54 ang palitan ng piso kada dolyar ay noong December 2, 2005 kung saan naitala ito sa P54.155.

Noong Huwebes nagsara ang piso sa P53.80 kontra dolyar na pinakamababang antas nito sa nakalipas na halos 13 taon.

TAGS: BUsiness, Peso vs Dollar, Radyo Inquirer, trading, BUsiness, Peso vs Dollar, Radyo Inquirer, trading

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.