Ecuador niyanig ng magnitude 6.2 na lindol
By Dona Dominguez-Cargullo September 07, 2018 - 12:17 PM
Niyanig ng magnitude 6.2 na lindol ang Ecuador.
Ayon sa USGS, naitala ang lindol alas 10:12 ng umaga oras sa Pilipinas sa bahagi ng Alausi.
Naramdaman ito sa mga kalapit na lalawigan.
Wala naman pang naitatalang pinsala sa ari-arian bunsod ng nasabing lindol.
Noong April 2016, naitala ang magnitude 7.8 na lindol sa Ecuador kung saan umabot sa 673 ang nasawi.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.