P2M halaga ng shabu nasabat sa murder suspect sa Batangas

By Dona Dominguez-Cargullo September 07, 2018 - 12:06 PM

Aabot sa P2 milyong halaga ng shabu ang nasabat mula sa isang lalaking wanted sa kasong murder sa Batangas City.

Ayon kay Batangas police director Sr. Supt. Edwin Quilates, isinilbi nila ang warrant of arrest sa bahay ng suspek na si Jojo Mallorca sa Barangay Wawa para sa kaso nitong murder.

Habang nagsasagawa ng paghalughog nakuha ng mga pulis ang 300 gramo ng hinihinalang shabu na P2 milyon ang halaga at isang 45 caliber nab aril.

Si Mallorca ay ikatlo sa listahan ng drug personalities ng puslisya.

Samantala, sa hiwalay na operasyon, napatay ng mga pulis ang suspek na si Raymond Pateña nang siya ay manlaban sa ikinasang buy-bust operation sa Barangay Talaibon sa bayan ng Ibaan.

Nakuha mula sa kaniya ang siyam na sachet ng hinihinalang shabu na inilagay sa pakete ng sigarilyo at isang kalibre 45 na baril.

Sa Cabuyao City naman sa Laguna isa ring drug suspect ang nasawi nang manlaban sa operasyon ng mga pulis.

Kinilala ang suspek na si Leo Benitez na nakipagpalitan ng putok sa mga otoridad sa isinagawang drug operation sa Barangay Mamatid madaling araw ng Biyernes (Sept. 7).

TAGS: anti-illegal drugs, Batangas, Cabuyao Laguna, anti-illegal drugs, Batangas, Cabuyao Laguna

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.